Family

Exclusive: Neri Naig-Miranda shares her five business tips

The hands-on mom Neri Naig-Miranda shares with Moms and Babies how she manages her business without compromising her family time.

On balancing family and business

First of all, wife at mom ako kaya ang priority ko sa family. Dapat tapos ko muna yung gawain sa bahay bago ako lumabas para i-check yung stores ko. If may meeting ako, tinataon ko talaga na walang trabaho si Chito para siya ang magbantay kay Miggy habang nasa meeting ako. Saka alam ng management ko na priority ko si Miggy kapag magkakaroon ako ng work sa Metro Manila. Very transparent at honest ako sa management ko bago kami tumanggap ng projects, especially sa schedule. Miggy first.

On staying organized at home

As much as gusto ko talagang organize lahat, hindi 100 percent kaya pero gumagawa ako ng weekly meal plan with market and grocery list para mas madali sa akin bumili. Yung laundry area ko, inayos ko. Nagpagawa ako ng mga lalagyanan ng laundry baskets para kapag nilabas, hindi sabog, makalat at di naghahalo-halo. Tambay ako sa Pinterest kaya ang dami kong nakukuhang ideas. Pinopost ko yung iba sa Instagram ko para magkaroon din ng mga ideas yung mga followers ko.

Mas nakakagana yung brain ko kapag mabango at malinis ang house. Mas madali kong natatapos yung menu ko, yung mga niluluto ko, o mga new ideas sa mga negosyo. Mas nakakareview ako sa mga new ideas na bigla na lang pumapasok sa brain ko. Lagi akong may notebook kasi pag may naisip ako, sinusulat ko agad at baka makalimutan ko.

On her business tips

Kapag maayos magtrabaho ang empleyado mo at mababait, yung mga problema na dumarating, napapagaan na lang kasi may mga karamay ka at tinutulungan ka. Kaya importante na may maganda talaga kayong relationship (para sa akin ‘yun ha). Hindi madaling makahanap ng mga matitinong employees, kapag nakahanap ka, ‘wag mo ng pakawalan. Alagaan mo, ituring na pamilya, at maganda ang resulta.

On knowing when to ask for help

Hindi kami magkasosyo ni Chito sa mga pinapasukan naming mga negosyo. May kanya-kanya kami pero nagtutulungan kami. Paano? Nagtatanong kami sa isa’t isa kung ano ba opinyon namin sa mga pinasukan naming negosyo o papasuking negosyo. Since di hamak naman na mas malaki siyang kumita sa akin, kapag kinakapos ako sa budget, kapag may i-oopen akong bagong store, nangungutang ako sa kanya. Yes, utang talaga! Binabayaran ko ‘yun pero syempre, wala ng interest! Ang gusto ni Chito, may sarili akong pera. Ayaw niya na makibakas sa akin na mahahatian niya ako ng kikitain ko.

On what matters the most

Di naman ako makapagbigay ng maraming tips kasi baguhang nanay, wife, at negosyante lang ako. Pero ang pinaka importante siguro na maibibigay ko, mapapadali yung pag-organize mo ng life mo kapag alam mo ang priority mo. Para di ka maguluhan kung ano ba ang dapat mauna at kung ano ang goal mo sa life. At kung saan ka masaya kasi ‘yun ang pinaka importante.

Photo taken from Jojo Ampeloquio’s Instagram account.

Special thanks go to Jojo Ampeloquio for the exclusive interview. Neri Naig recently signed up as the brand ambassador for digital service provider Posible.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *